top of page
©

Chronicles of a Single Mom, Divorcee, and Unstoppable Force

Updated: Aug 30, 2024

“The greatest thing you will ever learn is just to love and be loved in return.”

― Moulin Rouge

Katey and Snowen

She came from me, but she is not my possession.

She is a part of me, but not the extension of my existence.

She is my joy but not my doll nor a puppet.

She is my pride and not my prized trophy.

I won't force her to swallow my dreams, Then make it happen because I failed to achieve it.

My failure is not her defeat. Her victory is not my merit. For her achievement is only hers to credit!

A parent could only hold their hand if they need comfort. Not tell them what to do when they had it figure out.

Each time I look at my daughter, I am hearing this poem inside my head. My reminder that her life with me is a privilege.

She is not my property. She has her own purpose.

I will let her live the life she desires... let her figure out her own dreams.


Inspired 'yan sa poetry ni Khalil Gibran na pinamagatang On Children. Ni-recite 'yan sa sulat ng character sa pelikulang Dekada '70.


Naging anak ako sa ibang henerasyon na ang sukatan ng tibay ay ang pagtahimik na lang kahit at stake ang mental health mo.


Na palo ang sukatan ng disiplina. Na mataas na marka sa eskuwela ang batayan nang pagiging pinagmamalaking anak.


Lahat tayong mga 80's at 90's kids, nakatikim niyan.


Pero noong ako naman ang naging magulang, sabi ko... hindi iyon ang magiging pamamaraan ko.


Snowen at almost two weeks old

Magaling akong magsulat ng love story, pero sarili kong story, di ka alam kung paano isulat ng maayos.


Di ko na aaksayahin ang panahon niyo, Siguro manood na lang kayo ng ilang episode sa Raffy Tulfo... at isa sa kaso doon ang nahahalintulad sa mga dinaanan ko.


At kahit siguro mabasa ng babaeng 'yon ang entry kong ito, baka i-share pa niya 'to. At proud pa rin siya siguro. Di ko alam kung saan siya humuhugot ng kakapalan ng fes!


Salamat na lang talaga at iba ang pinakasalan ngayon ng ex ko. Dahil kahit medyo ewan iyang ex ko dati, proud ako na isang disente at babaeng busilak ang napiling pakasalan pagkatapos ko.


I am happy when he is happy. I'm thankful that he gave me this girl, despite of all.

Me struggling from post partum depression with my 7 month old  Snowen
Me with my 7 month old Snowen

Mahirap ang wala kang trabaho. Iniwan ka pa. Pero sinong mag-aakala na makakatawid kaming mag-ina?


I think the secret is, just float like a feather in the wind. Siyempre samahan mo ng tiwala sa Itaas na alalayan ka kapag nasemplang!


Ibon nga ay nabubuhay, tayo pa kaya?


Mabuti na lang, hinagisan ako ng nasa Itaas nang mga taong tumulong sa akin upang makatawid habang windang pa ang kabuhayan ko.


My parents in law for instance... they are amazing.


Kahit ang gulo gulo namin ng mga utol ko, they shaped me and toughen me up. Araw araw, dialogue nila...


Sarili mo lang ang meron ka. Matuto kang lumaban ng mag isa. Hindi bagong asawa o ka-relasyon ang sagot sa happily ever after.

Siyempre noong una di ko ma-gets. Bata ako no'n. Mahilig sa unli; unlimited chances sa mga palyadong tao.


Hanggang sa natuto ako!

People who took me for granted taught me to toughen up.

Time is up! Iyan ang sabi ko sa mga taong palagi kong binibigyan ng chances.


At iyan ang nakita siguro ng aking anak. Kaya lumaki siyang astig at kinaya niya ang mga personal na laban sa eskuwelahan.


Me and Snowen when she's 8 years old.

Iyang ganda niyang 'yan nabu-bully pa rin siya niyan. I always told her to fight back.

When they kick you, kick them harder.

When they throw a punch on you, make their nose bleed!

Even cats scratch and hiss when they sense a threat, so be like that!


I always wanted her to have a strong spirit.


I didn't require her to be an honor student. Pumasa ka lang anak, ayos na. Dahil nasa kolehiyo ang tunay na laban!


I make her read books about war, politics and history. Mga bagay na hindi naka highlight sa primary at secondary school curriculum.


We both watched docus about the universe, serial killers, and science breakthroughs.


Some parents don't have time to watch this kind of stuff with their kids.

Snowen at 18

Fast forward, few days after her 18th birthday, she went to US. Baon niya ang natutunan sa akin.


Hindi ko akalain na ang mga decision makings niya ngayon ay katumbas ng aking maturity noong ako ay naging trenta anyos na!


I feel like I over clocked her at times. Lahat yata ng anak ng mga single parent. madaling mag grow up dahil wala silang choice.


Sa aking karanasan bilang isang guro, at tiyahin ng tatlo pang pamangkin...


Mabagal ang maturity at walang radikal na kaisipan ang karamihan sa batang may kumpletong magulang.


People looked at us like we're from a distant star whenever we talk together. Saan ka nakakita na TV Patrol ang bonding naming mag ina noong siya ang walang taon pa lamang.


Nanonood din siya naman ng cartoons at Nickelodeon Teenage programs, pero most of the time, we talked about social issues and art appreciation.


Hindi applicable sa lahat ang ganitong style ng parenting. So hindi ko nire-recommend na inyong ulitin! Pero kung kung kaya naman ng sikmura niyo, why not?


Oh well, that's motherhood for me. Marami sa karakter kong isinulat ay hugot ko sa katauhan ng aking anak.


Hope you enjoy reading my works!





Related Posts

See All

Comments


bottom of page