Bakit Si Isabel Granada?
- Kaye O.
- Apr 11, 2023
- 2 min read
Ang aking inspirasyon sa karakter ni Nina Mondego 2.0
Kuwento ko about Isa…
Bata pa ako noon, kinakaray karay na akong manood ng Tita ko sa Broadway at Araneta para manood ng Vilma at That’s Entertainment.
First time ko manood ng That’s eh anniversary pa nila. At una kong nakita sa entrance si Isabel Granada, Ruffa, Donita, at Vina.
Given na magaganda iyong huling tatlo. Pero super mesmerising si Isabel Granada. She looked like, she comes out directly from a fairytale book. Para talaga siyang fairytale character na mukhang manika.
Super kinang ng mga mata niya na malalaki. Parang basa kaya makinang. Tapos super kapal ng volume ng buhok niya na kulay mocha, pati na ang kilay at lashes niya super kapal.
Make-carried away ka pag nag smile siya sa’yo. Hindi pa uso ang mga phone cameras noon, kaya wala akong resibo.
She was so sweet and very beautiful. Hindi siya madamot bumati sa mga fans at minsan nakiki jamming pa siya kapag hinihintay niya ang queue niya sa mga production numbers.
Nag tumbling pa siya sa trampoline noong production number niya ng panoorin ko siya ng live. Hindi lang mataginting ang boses niya sa singing, but she’s indeed a good dancer.
Pasintabi sa mga fans ni Bea Alonzo, sapaw na sapaw ni Isa si Bea Alonzo sa A Love to Last. Kaya minsan naiisip ko, mahirap yata siya ikuha ng roles, kasi masyado siyang maganda.
She could have made it in Televisa or Hollywood. Kaya lang she’s really conservative, kaya prone sa exploitation ang tulad niyang prinsesahin ang ganda.
Wala na akong makitang celeb na maaring pumantay sa ganda niya. Especially nowadays.
Maganda sina Dina, Snooky, Nadia, Gretchen, Janice, Julie Vega… at naghanay rin ang magagandang mukha sa That’s Entertainment dati, pero (for me) nasa kanya pa rin ang crown ng pinaka maganda.
And I have seen a few Hollywood Actresses in person (in premiere and comicons) na nasa People Magazine's most beautiful. Pero (for me) hindi sila maitapat sa ganda ni Isa,
I wish she is still around. I created Nina Mondego 2.0 for her memory…
Comments