Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Bilhin mo na. Dasurv mo 'yan. (MIBF 2024)

Updated: Oct 11, 2024

How MIBF 2024 Turned My Wallet into Fiction: A Tale of Going Broke for Books


Thought I was just browsing at MIBF 2024, but my bank account had other plans.

Spoiler: I now own more books than meals for the month. Here's how a simple book fair turned into a financial plot twist!


Join me as I recount how MIBF 2024 turned my financial planning into a fantasy novel—full of plot twists, heartbreak, and a cart full of books I couldn’t resist!


"Bilhin mo na. Dasurv mo 'yan."

Daig pa ang pusher kung makapag push!

Nabiktima ako ng sulsol na 'yan kaya natapyas ang aking savings!





Tahimik lang ang buhay ko sa probinsya.

Kuntento ako sa online shopping kapag may nagustuhan akong books.

Taon taon, laman ng Manila International Book Fair ang mga solterang amiga ko. Lagi akong absent, dahil sabi ko, ano ba naman ang meron sa book fair na 'yan na hindi ko nabibili sa Amazon o Lazada?


"Hindi girl, mas mura ang mga books doon. Almost 50% off lalo iyong mga box sets!"


Kat Maria with the girls!
Amigas de Solteras

Gustuhin man ng Lola niyo na mag book haul, hindi rin practical. Dahil mahirap ibiyahe pabalik kapag sa Manila ka bumili.


Pero katulad ng pag ibig na hahamakin lahat... kapag bisyo mo, lahat ng paraan at excuse gagawan mo nang lusot!


Hindi ko alam kung paano ko nabitbit ang ganoon kalalaking books. Itong lampa kong ito, nag iisa, tanging isang maleta lang ang dala. pero nagawa kong isikisik sa bagahe ko yung mga 3 to 4 inches na kapal na hardbound books.


And I had to put the huge box of Harry Potter set on top of my luggage.

.... with laptop and a plastic bag of books on my hands.


Pero tama ang aking mga amiga na sobrang mura ng books.

Kaya kapag may event na ganoon, isang malaking maleta dapat ang dala mo pagpunta sa SMX Convention Hall.




I made a breakdown of price comparison. Para maintindihan niyo kung bakit daig ko pa naka scam sa pinagbibili kong libro.


Classics Leatherbound Books (NBS) - 695 php per books (mapa nipis o mapakapal, same 695. Pero winner ka kapag singkapal yan ng sangkalan sa talipapa ng baranggay!)


May promo sila na Buy 2 take 1.


Eh di ang Lola niyo, nalimutan na may uuwian na probinsya kinabukasan! Iyong makakapal ang unang dinampot!





Mga around 5 to 6 inches thick iyong Complete Works of William Shakespeare, Sherlock Holmes then Charles Dickens.

Average lang ang kapal no'ng Grimms Fairy Tales, Aesops Fables and Dracula.


(Nalimutan ko picture-an yung iba)


Heto ang catch; when I looked at these books at online sellers, binebenta nila ng 1500.

So all these time nagtitiis ako sa double price, eh kaya ko naman pala mabili iyon ng kalahating presyo sa MIBF!


At ang Harry Potter!!!

Normally almost 11k ang regular price pero nakuha ko lang ng 7000 pesos. Pagdating ko sa counter, binawasan pa nila ng 10%.


Naging 6300 na lang yung 1 box set na hardbound.

So it's a steal deal.

Last year hindi daw ganoon kamura iyong mga collectors edition. Ngayon nag price drop sila ng sabay sabay.


Mukhang mawiwili ako taon taon magpunta.


Next time magdadala ako ng large luggage na!!





Commentaires


bottom of page