Ang love story na 36 years in the making!
- Kaye O.
- Jun 29, 2023
- 5 min read
Updated: Oct 13, 2023
Ang story time ng story teller...

Nabuo itong plot na ito dahil sa isang scenario sumulpot na lang ito sa diwa ko na parang White Lady sa Balete Drive habang nagba-biyahe pabalik ng probinsya.
Hindi bakasyon sa probinsya ang pakay ko, kundi Baranggay!
Baranggay dahil naka-porma sa bangayan ang haharapin namin ng nanay ko doon!
(Quick back story: May squatters ang lote namin doon at ayaw magsi alis, Hayyy!)
Anyway, habang nasa biyahe, I had this inside my head:
There was a middle aged man. He is at the middle of his battle for annulment. One of his nephew introduced a girl who looked exactly like his ex girlfriend. Isa siyang lady private detective ng kanyang nephew.
When he asked her name, kapangalan nito ang kanyang bunsong kapatid.
If she looked like my ex gf, she must be the daughter that I never knew! Alleluia!
Man: Nasaan ang nanay mo?
Daughter: Luh di ko po alam. Honga 'no, nasaan ba ang nanay ko?
I'm in Love with a Stranger... Literally
Mahirap tapatan ang 50 First Dates ni Adam at Drew. Pero ito ang pinaka paborito kong movie na RomCom. (next is Just go with it.)
I stay out of drama style of writing as much as possible. Gusto kong maalala bilang manunulat na mangingiti ang mambabasa ko sa tuwing nakikita nila ang pangalan ko.
Sila ang dahilan kung bakit na-inspire akong buuin ang Sister Agnes.
Albert is a successful man, but he was never successful with his personal life.
Mahirap magmahal uli ng iba kapag hindi ka pa tapos magmahal sa nauna... - Albert Mondego
At dahil sa isang Madre na weird ang mindset sa buhay, her name is Sister Katalina; ang madre na isa sa may ari ng Poison Apple Pension House... Ipinakilala nito sa mga Mondego ang kaibigan nitong isa ring madre, walang iba kundi si Sister Agnes.
Na palaisipan pa rin sa akin kung paano naging madre ang isang ito (si Sister Katalina). Masyadong moderno ang pananaw. Kahit Santo Papa siguro ay magiging confused rin siguro kapag nakadaupang palad ang mongha na ito.
Sister Agnes referred herself as walking talking question mark. Dahil hindi niya maintindihan kung bakit tila nagsimulang mawindang ang mundo niya sa bokasyon nang makilala ang mag-amang Albert at Nina Mondego
Story Time
I enjoyed writing this one because 80's were the golden years. Ang era na ito namakakadinig ka na mga Pilipino pero nagkaka British accent kapag kumanta na ng New Wave hits.
Super fan ako ng Back to the Future and John Hughes movies.
Gurang na ako pero hindi pa naman pa naman dapit hapon ang edad ko. I was born at the year 1978. So kung papanoorin niyo ang Stranger Things, kaedad ko ang bunsong kapatid ni Nancy Wheeler at Mike Wheeler.
I guess pareho kami ni Adam Sandler na super love ang 80s era. Kaya sa mga susunod na panahon, makikita niyo ang mga books kong 80s ang setting.
80s music brings me happy memories. Growing up surrounded by musically inclined brothers and their friends who played Duran Duran, The Cure, Flock of Seagulls, OMD, A-ha, etc. made me a slave to pop culture.
I remember sitting at my window listening to my former neighbors singing and playing piano. Isang pader lang ang pagitan ng bahay namin. I could see it clearly like motion pictures inside my head, whenever I hear him play 80s new wave songs.
And my brother sings perfectly in a British accent kapag New Wave songs na ang nasa radio. My favorite piece of his was Upside Down by two minds crack and the more you live the more you love by Flock of Seagulls.
Odd Pilipino kami, pero we can imitate the brit accent when we sing.
Naalala ko pa na ballpen ang gamit namin nina Kuya pagre rewind ng cassette tape. At kapag may vhs kami ni rentahan, palitan kami ng neighbour ko. Lugi sa amin ang video rentals. 🤣 Bago pa nauso ang password sharing sa Netflix ginagawa na namin iyan sa VHS!
Bukod sa fictional character kong si Cesar Pabularcon na tumatawa akong mag isa habang tina type ko, paborito ko rin itong si Albert Mondego ng 80s heartthrob ng aking fiction universe.
Saan ko hinugot si Albert Mondego?
Speaking of mahal... I had a huge crush on Johnny Depp, Charlie Sheen, Michael J. Fox, Emilio Estevez, John Cusack and Andrew McCarthy (Mannequin)…
I was a Breakfast Club and Pretty in Pink Fan.
At sa local naman… I really liked Raymond Lauchengco, Jestoni Alarcon (Huwag mong buhayin ang Bngkay... LOL), Keno, Jon Hernandez (OMG, kahit wala na siya crush ko pa rin siya!),
isa lang ang mega super crush ko; si JC Bonnin. Me and my brothers were a huge Bagets and Ninja Kids fan.
I made this book to reminisce about my childhood crushes.
Lalo na si JC at Johnny Depp. I still adore them up to this day.
Balita ko naging pastor si Jc Bonnin. And now, he is living in California doing his pastoral duties. (Magkikita din tayo, aking crush!)
Crush ko pa rin siya up to this day. Siya kasi iyong kayang makipagsabayan sa Hollywood pretty boys dati. Iba ang dating niya.
I stumble with Bunny Paras Vlog with JC. Buwiset kinikilig kilig pa rin ako habang pinapanood ko itong vlog na 'to!
Albert x Rebecca
I really enjoyed writing their story. Napaka natural ng flow ng mga pangyayari sa nobela na ito.
Isinumpa kong hindi ako magda drama, pero pinaiyak ako nito habang sinusulat ko ang dalawang ito. Nag enjoy pa naman ako sa batuhan ng rubics cube, tsinelas, libro pati bakya!!!
Oo masakit tamaan ng bakya!
Pati hampasan ng bote ng beer sa bilyaran, in na in ito noong dekada otsenta.
Dating at skate disco - inulit ito ni Mike at Eleven sa Stranger Things. But my cousins hang out at skate disco somewhere in Makati. Kaya may real life hugot ako rito.
As Sister Agnes, how would you feel kapag nalaman mong may anak ka na 36 years old na!
Oh I don't wanna spoil you guys. It's available now along with Nina Mondego's book.
Nawawala ang memories… dumadalas ang kaso ng Alzheimers na at dementia. Pero kapag tumatak sa’yo ang character ng tao, may mga unconscious kang kilos kung paano mo siya mamahalin at ita trato.
Kumbaga hindi ka sa haba ng taon mong kasama magbibilang. Isa lang ang dahilan kung bakit hindi ka nakakalimot sa tao na iyon…
...dahil mahal mo ang character niya.
Para ito sa mga childhood crush ko na ginawang masaya at inspiring ang kabataan ko.
Always young at heart xoxo
Katey
PS: Unahin niyo muna si Nina!
コメント