Please Enable JavaScript in your Browser to Visit this Site.

top of page
©

Las Aguilas de Mondego: Una Noche de Pasion

Updated: May 4, 2023

Isang gabing di sinasadya, subalit lahat ay tila nakatakda.

1946


"Hanapin mo si Don Juan Carlos Vera-Luna... Makikilala ka niya."


Iyon ang mahigpit na bilin ni Adela kay Ana Paloma.


Umalis si Ana Paloma sa kanyang bayang kinalakhan upang takasan ang mapait na nakaraan. Sa kanyang pagtakas, muling nagkrus ang landas nila ng isang lalaking pangahas at arogante. Walang iba kundi si Kapitan Marco Antonio Mondego; isang estrangherong viajero.


Paanong hindi iinit ang dugo niya sa binata? Tinangka siya nitong bilhin! Babayaran siya nito ng pera kapalit ng isang gabi niya sa piling nito.


Salat nga siya sa edukasyon at maagang namulat sa trabaho, subalit hindi naman siya desperada sa lalaking makuwarta! Kahit pa ito na yata ang pinakamakisig na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya.


Maraming siyang hindi alam tungkol rito. Tanging alam lamang niya ay hindi sila bagay nito.



Fragmento de la Novela


Hindi alam ni Marco Antonio kung madidismaya o sasama ang loob nang makita niyang napalis ang ngiti ni Paloma nang matanaw siya.


Bakit kaya ito palaging mainit ang ulo sa kanya? Sa halip na magsentimyento siya, pinili na lang niyang asarin si Paloma. Nakakatuwa kasing kulitin ito. Lalong gumaganda kapag nagagalit.


“Buenas tardes, mi amor.”


“Bakit mo ba palagi na lang akong tinatawag na amor?”


Bakit niya sasabihin dito kung ano ang ibig sabihin ng amor? Baka hindi lang pagsusungit ang matanggap niya. Baka sampalin na siya kapag ipinaliwanag niya ang ibig sabihin ng amor.


“Ibig sabihin kasi ng amor, maganda.”


Padabog itong hinagilap ang bayong. Binitbit nito iyon at nagmamadaling lumakad. Hinabol niya ito.


“Alam mo, nagtataka ako sa’yo. Sa dami ng dalaga rito na maari mong palipasan ng panahon, sa akin ka pa nag-iistorbo.”


“Eh pauwi ka na, di ba? Iyong istorbo, pumupunta kapag oras ng iyong trabaho. Tapos na naman ang trabaho mo ng puntahan kita. Kaya hindi istorbo ang tawag sa akin, kundi bisita.”


Umirap ito. Bakit ba gusto niyang halikan ito sa tuwing iirap ito ng ganoon?


“Hindi mo ba nakikita? Buntis ako! Pangit tingnan na may binatang sunod ng sunod sa akin sa gaya kong maselan ang kalagayan.”


“So?” he shrugged non-chalantly. “Let them think whatever they want. Hayaan mo silang mag-isip ng mag-isip ng kung anu-ano.”


“Sinisira mo lang reputasyon ko eh.” Inirapan siya nitong muli at binilisan ang paglalakad. “At gusto kong malaman mo, na ayaw kitang makita.”


“Ikaw lang ang pamilyar na mukhang maari kong maging kaibigan rito, Paloma.”


“Iyon na nga eh. Ayoko ang pagiging pamilyar mo. Kapag nakikita kita, naaalala ko ang nakaraan ko. Gusto kong malimutan ang nangyari sa akin. Pero paano, kung palagi ka naman naririyan.”


Sa sinabi ni Paloma, tila tinalaban siya. Kung kailan may babaeng gusto siyang lapitan, na hindi lamang sa pansariling interes, kundi gusto niya lamang talagang mapalapit sa babaeng ito. Pero heto, itinutulak siyang palayo.


Naalala daw nito ang nais nitong takasan. Na tila siya ang nagdulot sa ng bangungot rito. It will be unfair on his part.


Sinundan niya ito at hinarang daanan nito. “Hindi patas sa akin na tila sa akin mo isinisisi ang masamang pinagdaanan mo, Paloma.” Nakatitig siya sa mga mata nito ng seryoso.


“Hindi naman kita sinisisi. Kaya lamang, hindi mo sa akin maialis ang nararamdaman ko. Dahil noong nagkakilala tayo noong unang pagkakataon, inalok mo ako ng pera upang makipagtalik sa’yo.”


“Ngayon alam mo ba ang iniisip ko? Na kaya ka lamang lumalapit sa akin dahil katulad ka rin ng ibang lalaki na porke hindi na ako dalaga, mas madali sa inyo na magsamantala. Bakit? Kasi wala naman kayong magiging pananagutan sa gaya ko. Dahil dalagang ina ako.”


Isa siya sa mga lalaking tinutukoy ni Paloma. Hindi niya nais magkaroon ng ugnayan sa mga babaeng dalaga o birhen.


It is easy to play fire with women who are married, widow or separated to their husbands. Iwas responsibilidad, wika nga. Walang maghahabol ng kasal. O mabubuntis na siya ang ituturong ama.


But never in his lifetime that he played with pregnant women. Hindi naman siguro masamang umpisahan ngayon. Tudyo ng pilyo niyang isipan.


But there’s something about Paloma, that more than just a play on his part.


Pinigilan niya ito nang hawakan niyang muli ang puson nito.

“Baby o. Ang Inay mo, galit na naman.”


“Marco Antonio…” nagpalinga-linga ito at namumula. “Bitiwan mo nga ako. Nahihiya ako sa mga tao.”


“Wala naman akong pagsusumbungan. Mismong Tiyo Rafael ko, ayaw akong ipagtanggol sa’yo. Sa’yo ang simpatya ang mga ‘yon pati na si Felicimo. Hindi ka ba naaawa sa akin?”


“Hinde!” pinandilatan siya nito.


“Kung wala akong kakampi, si Baby na lang ang kakampi ko. Hindi ba, mi Niña?”


“Lalaki ang magiging anak ko. Sisiguruhin ko ‘yan?”


“Hindi naman magulang ang nagbibigay ng kasarian ng bata. Kundi ang Diyos.”


Lumakad itong muli, bitbit ang bayong nitong walang laman. Tinitingnan na sila ng mga taong kasalubong, subalit wala itong pakialam. Napalad ng malakas na hangin ang mahabang ginituang buhok nito. Lalo lamang itong nagiging marikit sa tuwing nagpapakita ng katapangan.


Sinundan niya ang mabilis na hakbang nito.


“Ayokong magkaroon ng anak na babae.”


“At bakit naman?”


“Dahil ayoko siyang maging tulad ko. Pagsasamantalahan lang siya ng ibang tao.”


“Hindi naman lahat ng tao ay mapagsamantala, Paloma.”


“Basta, ayokong magkaanak na babae. Tapos!”


Napakamot siya sa ulo. Hindi alam ni Paloma ang sinasabi nito. He understand her skepticism. Her distrust.


Pero nais pa rin niya nang anak na babae. Lalo na kapag si Paloma ang kamukha.

Hindi niya alam kung bakit imahe ng munting Paloma ang lumitaw sa isipan niya.


Namalayan na lang niya na malayo na si Paloma. Hinabol niya pa rin ito. “Sandali!”


“Bahala ka sa buhay mo.” Inirapan siya nito sabay ingos.


Nangingiti siyang sumunod rito.

Comments


bottom of page