top of page
©

Nina Mondego 2.0

Updated: Sep 24, 2023

The missing heiress meets the jackass landlord!

She said...


Ana Karenina Mondego - iyan ang nakatala sa birth certificate ko. I grew up in an orphanage.


Akala ko, kinuha lang nila ang pangalan ko sa magazine. Galing sa isang New Yorker socialite na si Ana Karenina Mondego-Archer (or Nina Mondego 1.0)


Kaya Nina Mondego 2.0 ang tawag nila sa akin

Parang tanga ang pangalan namin di ba?


Anu yan, T-800 at T-1000 sa Terminator!? 😆

Pero tingnan mo nga naman, iyong dating palaisipang pangalan ko, biglang nagkaroon ng linaw.


Dahil isa pala akong tunay na #Mondego.


At itong matandang biyudo na anak anakan ng aming landlord na si Cesar Pabularcon, tinawag akong kapangalan ng babaeng may kabit!


Talagang parating pinagdiriinan na Cesar ang pangalan niya. Kahit Gaylord Rene 'Cesar' Pabularcon ang talagang ipinangalan sa kanya ng Nanay niya!


Wala talaga itong taste kahit sa pagpili ng sariling pangalan. Mabuti pa ang yumaong Nanay nito, maalam kumilatis.


Gumaganti ang ungas, palibhasa pinosas ko sa manibela.


Abah! Maraming car jacker ngayon, masama bang mag-ingat!?




He said...


Noong high school pa ako, crush ko na si Thalia. 😊

Sabi ko, kapag nakakita ako ng babaeng ganoon kaganda, igagapos ko sa bahay namin at sasabihin ko sa Tatay niya na 'Nalawayan ko na po ang anak niyo. Pananagutan ko po ang kapangahasan ko. Ipakasal niyo na po kami!' 😈


Unfortunately, sa mahabang panahon, walang dumating.

Nah, okay lang, mas gusto ko nga na buo ang oras at panahon ko sa tatlo kong anak; si Paulina, Arabella at si Remington na isang sirena. I have three beautiful children.

I managed a Pension House called Poison Apple Lounge


Pero isang araw, may nakasabay ako sa kalye na nahilo sa loob ng kotse. Sinubukan kong tulungan. Pero shettt, natulala ako. Nakita ko na ang dream girl ko. 🥰


Anong tawag nila sa ganoon? Aristocratic beauty.


Mukha siyang Señorita, at nai-imagine kong ako ang pesanteng guwapo na hamak na umiibig sa Diyosang ito.


Matagal na rin naman akong single. Handa akong magpapikot basta dream girl ko! 😍


Pero ang sama pala ng ugali! Siya na nga ang tinulungan, siya pa ang galit! Tinawag pa akong carjacker pagkatapos niyang iposas ako sa manibela!


Akala ko pa naman siya iyong Señoritang mahinhin at soft spoken... Pero shett, sanay na sanay siya sa basagan ng mukha! Lagi akong ginagawang sample sa demo ng self defense tactics nito.


Dati palang detective sa Florida ang magandang ito. Mukhang #AWOL, kaya di makabalik.


Sayang maganda pa naman, pero ipinaglihi kay Rambo. Hindi makeup at kikay kit ang laman ng bag... kundi BUY BUST OPERATION STARTER PACK!


Hanggang sa kasal ng anak kong si Ara sa New York, walang ginawa kundi magalit sa akin kahit di ko naman inaano. Pinsan pala ito ni Race; ang mamanugangin ko!


Kahit dream girl ko siya, kung gagawin naman akong ander se saya ay di bale na!


Magtiis na lang kaya akong single!?


 


 

Nina 2.0's Genology

 

The Origin



Ang Familia Mondego ay binubuo ng magkakapatid na; Jose Gabriel, Marco Antonio, ang ampon na si Miguel Paolo (na anak naman ng isang Vera Luna na mortal na kaaway ng Familia)


At siyempre, ang bunso na si Ana Gisella (na ninakaw ng Vera Luna sa mga Mondego)


Sa nakaraan, binalak gumanti ng mga Mondego sa Familia Vera Luna. Kung kaya’t muling nag krus ang landas ng dalawang angkan.


Hanggang sa nauwi sa pag-iibigan ng inanak ng dalawang familia.


Si Jose Gabriel kay Rosangelica Vera Luna,


Si Marco Antonio kay Ana Paloma Vera Luna Elizondo.


At ang ampon na si Miguel Paolo kay Ana Gisella na isang tunay na Mondego.


Fast forward.


Ang dalawang inapong socialite ng magkapatid na Mondego ay nakapag asawa ng mayaman at maimpluwensyang Familia sa Estados Unidos.


Ana Karenina ‘Nina 1.0’ Mondego (Jose Gabriel and Rosangelica’s granddaughter) married an Archer of Wolf Archer Finance New York.


At naging anak ni Nina 1.0 at Jacob si Race Mondego Archer.


And Mineah Almira Mondego (Marco Antonio and Ana Paloma’s granddaughter) married a Fuentabella of TexaCo Oil Company.


At anak ni Mineah at Allan Fuentabella ang magkapatid na Alaric at Alena.


 

Theme Song:



Related Posts

See All

コメント


bottom of page