When Race met Ara...
(Ang story ng first meeting ni Ara at Race sa Fruitstand na nalimutan na ni Ara.)
From Nina Mondego 1.0 Archer's Memory....
“Oh come on, my boy. Let’s go. I like to buy something from the fruit stand. I miss this kind of stuff.”
They got out of the car. She held out her hand for her son. Race took her hand and they walked together as they approached the store.
Natanaw niya ang sasakyan na naka-escort sa kanilang mag-ina. They purposely distant themselves from them dahil iyon ang bilin niya.
Ayaw niya ng may mga bodyguard. Nakaka-agaw lang iyon ng pansin sa iba.
She wants to experience everyday life. She may be a Princess of a powerful Mondego clan, but she’s still the simple Nina.
The only one who can see her as real is Jacob; the man who loves her and gives her beautiful children.
“Parang wala yatang tao Mommy.”
“Puwede ba ‘yun? Tindahan ‘to ‘no?” she giggled.
“Lipat na lang tayo sa tapat.”
“Ayoko. Mukhang mas matamis ang pomelo nila dito.” Nagpalinga-linga siya at bahagyang snilip ang loob ng tindahan.
Malawak ang tindahan. Hindi lamang prutas ang tinda roon, kundi sari-sari na rin.
May telebisyong nakapatay na nakaharap sa labas. There’s a snack area on a corner. It was 4-5 tables on it, she counted. Mayroon din jukebox sa isang sulok.
Bigla siyang napangiti. Uso pa pala ang jukebox.
May nakita siyang parang ulo sa mababang partisyon. Mukhang may mesa rin sa loob ng partisyon at nakaupo roon ang tao sa tindahan.
“Tao po!”
Tumayo ang nasa loob ng mababang partisyon. She saw a little girl.
No, she’s not a little girl. She’s a cute picture of a real-life fairy tale character.
If there’s a real-life Snowhite, she could be a perfect description of it. Her dark brown straight hair contrasted her creamy complexion. Her huge eyes were curtained with thick dark eyelashes. Her dimples are visible on her apple-red cheeks.
The little girl’s close to eight or nine years old.
“Magandang umaga po…” she greets with a cheerful voice.
“Oh hello Little girl.” Siniko niya si Race. “Ang gandang bata. Ganyan ka-cute ang Ate Criselda mo noong una niya akong naging yaya.”
Natawa naman ang binatilyo niya.
“Bibili po kayo?”
“Oo hija. Matamis ba itong pomelo mo?”
“Opo, ma’am. Try niyo po. Ito po o.”
May nakadisplay ngang bukas na pomelo roon at nakahanay sa plato. Clever. May taste test pa.
She picked one and she was satisfied with the taste. “Mmm… ang tamis ha? Teka bibili akong marami. Papasalubong ko sa Tito Albert mo.”
“Nini ko… Ara!” she heard a woman calling from inside the store.
“Lola narito po ako sa labas…”
“Hindi ba sabi ko doon ka lang sa loob. Huwag kang lalabas.”
“Wala po kasing tao dito sa puwesto ‘La.”
“Talagang batang ito! Nakatulog lang ako—“ Naputol ang paglilitaniya ng matanda ng mapatingin ito sa kanila ni Race.
The lady’s wearing eyeglasses. She reminds her of her former teacher.
“May customer po ‘la. Ako na po ang pumuwesto. Lumabas lang po si Ate Remy. May bibilhin lang daw po sa palengke saglit.”
“Naniwala ka naman doon! Kakatagpuin lang no’n yung ka-text mate niyang kargador ni Mr. Lao!”
“Nasaan ang Tatay Cesar mo?” patuloy na tanong ng matanda.
“May pinuntahan po sila ni Paulina, Lola. Fast lang daw po eh.”
“Ah. Maniwala kang may pinuntahan iyon mahalaga. Nagtatago lang iyon doon sa babaeng taga munisipyo na parating naririto! Hayyy mga dalaga talaga ngayon, sila pa ang habol ng habol sa lalake!”
Natawa sila ni Race sa may ari ng tindahan.
“’La may customer pa po. Quiet ka muna.” Malambing na sabi ng paslit.
Race shook his head as he chuckle. Para namang noon lang naalala ng babae na naroon sila.
“Pasensya na kayo. Hindi naman po sa wala akong tiwala sa inyo. Kaya lamang po’y batiin lang talaga ito mga parokyano. Noong nabati iyan, nagkasakit ‘yang batang iyan.”
“Okay lang po iyon.” She chuckled. “ Bibili po ako ng marami. Ipapasalubong ko po kasi. Matamis po iyong pomelo niyo.”
Na-excite ang matanda. Pumili sila ng magagandang prutas.
Nasulyapan niya ang binata niya. Nakatitig ito sa bata. Naupo ito sa mesa katapat ng bata na nagbubuklat ng libro nito.
“Anong pangalan mo?” the little girl asked her son.
“Race. And you are?”
“Ako si Ara. Arabella Pabularcon!” The little girl answered with a grin.
Hay, bibong bibo ang little angel na ito. Nakaka gaan ng pakiramdam tingnan. “Ang ganda po ng apo niyo ’Nay.”
“Nasa lahi namin. Ganyan din ako kaganda noong bata pa ako hija…” Sabi ng matanda na panay pa rin ang pagsisilid sa plastic.
Natawa silang sabay.
“Mag-nanay kayo?”
“Opo.”
“Mukha kayong magkapatid.”
“Bata pa ho kasi ako noong nag-asawa ako.”
“Ah kaya pala. Napaka-guwapo ang anak mo. Maraming paiiyaking babae iyan.”
She beamed with pride.
“Gusto mo?” The beautiful little girl offered Race a green mango slice in front of her. She sensed his hesitation and she giggled. “Hindi maasim ‘yan. Masarap ‘yan. Try mo.”
Race took a slice and bit the fruit. Tumango-tango ito sabay ngiti. “Oo nga ‘no?” Kumuha pa si Race ng isa at sinawsaw sa asin.
“O di ba sabi ko sa’yo masarap.” sabi ng napakabibong si Ara na kumain din ng manga.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone nito. Sinagot iyon ng bata, naka on ang speaker ng phone.
"Hello, prinsesa ko...." sabi ng lalaki sa phone na naglalambing sa anak.
"Hello po Tatay Cesar ko! Nasaan po kayo ni Paulina?"
"On the way na kami prinsesa ko. Anong gusto mong pasalubong galing kay Tatay? Ice cream?”
The old lady chuckle. "Hay Cesar, kunsintidor ka! Tama na ang ice cream! Magkaka tonsilitis na naman ang mga bata!" sabad nito sa nag-uusap na mag ama sa phone.
"Paano ba yan, prinsesa ko.... ayaw ni Lola ng ice cream. Baka daw magka tonsilitis kayo eh."
"Tatay, ibili niyo na lang po ako ng guitar strings, Naputol po kasi yung strings ng guitar ko eh."
"O sige, baby ko. Ibibili ka namin ni Paulina, ha?"
"Naku Cesar, bumalik ka na dito. Nakadaan na 'yong dalagang taga munisipyong stalker mo! Wala ka ng pagtataguan!" sabad ulit ng Lola ng bata.
Narinig nilang mag-ina ang tawa ng nasa kabilang linya. "O sige po Mama. Papariyan na kami ni Paulina."
"Kiss na sa Tatay, prinsesa ko."
"Muah! I love you Tatay ko!"
“I love you too, princess.”
Nang mawala ang kausap ng batang maganda, nakita niyang binigyan ni Race ng doodle drawing si paslit.
The little girl giggled. Nang silipin niya ang doodle ni Race, it was a cute cartoon of Sylvester bullying Tweety Bird. They shared laughter together.
Nakakatuwa naman ang anak niya, lipas naang sumpong.
“Lola hinahanap po kayo pala kanina ni Aling Fely. Magpapahula daw po siya.” sabi ng batang paslit na inabutan pa si Race ng Crayola.
“Hay naku… pahuhulaan na naman niya kung kailan siya makapag-abroad at makakapag asawa ng mayaman.”
“Nanghuhula kayo, Nay?”
“Minsan lang kapag nasa mood.” The old lady grinned at her. But when she looked at Race, her smile faded.
Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon itong tumingin kay Race. Kung manghuhula nga ito, may nakikita ba ito sa anak niya?
“Puwede niyo pong hulaan ang anak ko?”
“Mom!” Race complained.
Natawa ang ginang. Tapos napailing. “Bata pa ang anak mo, mahirap manghula kapag bata pa. Kapag disiotso na siya puwede na siguro.” Sabi nito na tila umiiwas.
Pero may punto rin naman ang sinabi nito. Bata pa si Race. Mabilis magbago ng direksyon ang takbo ng isip ng isang bata.
“Hindi ko lang inaasahan na magkikita sila sa ganito kaagap na sirkumstansya.”
She frowned. Tila sa sarili lang nito sinabi iyon. Mahina ang pagkakasabi nito, pero dinig na dinig niya.
“Ano po iyon, Nay?”
“Wala naman, hija… Just talking to myself.”
She looked at her son. It’s odd that he’s getting along with the little girl. Usually kasi kapag binatilyo hindi talaga namamansin ng batang babae.
=====================================
Excerpt from the book: HUNTING WOLF'S LEGACY
Comments