top of page
©

One Wild Night

Updated: Apr 19, 2023

The story that started it all....


 

Tinulungan kita na makapasok sa pinagta-trabahuhan ko sa New York, pero tumutupad ka pa rin ba sa pinag usapan?!'


"Opo," tumatangong tugon ni Lyra sa Tita. In fairness, ang ganda ng Rolex ni Tita ngayon ah, hingin ko kaya yung pinaglumaan na?


Hayy bakit kaya hindi ko nakuha ang ganda ng Tita kong beauty queen? Nasa kanya na lahat... mayaman, sexy, beauty queen.


Nakikinig ka ba!?"


Muntik na niyang matapon ang kape na nilalapag sa mesa nito sa gulat niya sa boses nito. Ganito talaga ang tiyahin niya, may golpe de gulat.


"yes Tita."


Mana sa nanay niya... Mahilig mang taranta.


Palibhasa bunsong kapatid nito ang ina niya kaya kering keri siyang gulatan nito.


"Huwag mo kong bibigyan ng kahihiyan sa opisina!'


"Opo'


"Huwag kang magbihis ng parang yagit doon. Alam kong nasa mail room ka, pero wag ka naman aalot alot!'


"opo.'


Ang ganda ko kaya!

Hindi man siya naging beauty queen gaya ng Tita Lydia niya, beauty pa rin siya! Minus the queen, kase wala siyang korona.

Hay ang hirap pag galing sa lahing magaganda!

Iyon nga lang, kinapos sa height.


'Huwag kang aalembong doon!'


Patay! Pero noong isang gabi, umalembong na siya... kaya nga magulo buhay niya ngayon.


'Lyra!'


'Yes, Tita!'


'Anong yes tita, baka oo ka ng oo riyan tapos binibigyan mo na ako ng sakit ng ulo ha!?


"Hindi po," halos makalas ata leeg niya sa pag-iling.


Paano kaya pag nalaman nito pinaggagawa niya sa company party noong nakaraang gabi?


Baka ipa-deport siya nito.


Isusumbong siya sa nanay niya!


Sino ba naman ang di magagalit pag nalaman ng Tita niya na sumama siyang makipag one night stand sa di naman niya kilala?


Masusi na tumitig ang Tita Lydia niya na tila nababasa ang laman ng utak niya.


Naku naku!!!


 

Instruction to eBook access.

Access the eBook here.


Related Posts

See All

Comments


bottom of page