Simula na ng Venganza!
Viña de Mondego, California
“Kaya mo pa, Miguel Paolo?”
Nakangisi si Gabriel habang sinasalag ang bawat atake ng kanyang katunggali. Malalakas ang bawat hataw nito sa kanyang espada. Mapadlis ang bawat kilos nito. Hindi niya maiwasang mamangha pa rin sa bilis at lakas nito.
“Hambog!”
Lumakas ang tawa ni Gabriel sa kapatid. Alam na alam niya kung paano sirain ang disposisyon nito sa labanan. Pero dahil sanay na ito sa bawat pang-aasar niya, natuto na rin ito.
Nagpaikot-ikot sila sa malawak na kaparangan habang patuloy silang nag-e-eskrimahan. Mga tunog at kalansing nang nagtutunggaling mga bakal ang madidinig.
“Masyado ka kasing namihasa sa pistol kaya hindi mo na nae-ensayo ang galing mo sa espada.”
“Kahit wala akong ensayo, kaya pa rin kitang talunin Jose Gabriel.” Nakangising tugon ni Miguel Paolo.
Tila naman nanonood ng palabas sa teatro ang mga tauhan sa pataniman ng ubas. Nagsilabas ang mga ginang na may dalang basket na puno ng mga ubas. At ang mga kalalakihan nama’y nagtipon-tipon upang saksihan ang tunggalian ng magkapatid.
Nakailag si Miguel Paolo nang patamaan niya ang likod ng palad nito. Lalo lamang nag-umigting ang labanan. Sumampa si Gabriel sa bariles kung saan nakaimbak ang katas ng ubas upang maging alak.
Hinabol siya ni Miguel Paolo. Nakailag siya ng saksakin nito ang paa niya, kaya tumama ang espada nito sa bariles. Nabutas iyon at tumagas ang alak.
“Tsk! Papa papá se enfadará” Napailing siya sa kapatid. Nagsigawan at sumipol ang mga trabahador sa ubasan.
“No he won’t!” mabilis na tugon ni Miguel Paolo sa wikang Ingles. “He’ll be disappointed if you lose, brother!” Miguel Paolo taunted.
Bihasa silang magkakapatid sa apat na linguwahe; ang wikang Espanyol, Aleman, Ingles at wikang Filipino.
Ganoon daw talaga ang buhay viajero, ayon sa kanilang Papa. Palibhasa, nasa paglalayag ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
Pabalik-balik sila sa Estados Unidos at Pilipinas. Umuuwi lamang sila ng Mexico dahil naging tahanan nila iyon nang labing walong taon.
Nakuha ni Gabriel ang tamang tiyempo. Nasundot niya ang kanang kamay nito. Tumilapon sa ere ang espada. Mabilis niyang sinalo iyon bago nakuha ni Miguel Paolo.
Iniamba niya sa leeg nito ang ag dalawang espada. Ngumisi siya sa kapatid. “Usted pierde, hermano.”
Napailing si Miguel Paolo. “You win this time, hermano. But remember, I’m still good with guns.”
Sabay silang tumawa na magkapatid. Umalingaw-ngaw iyon sa kaparangan. Nagyakapan silang magkapatid upang ipabatid sa isa’t-isa na walang anumang pikunan sa pagitan nila. Na ang lahat ay isang laro lamang at pag-eensayo. Hindi iyon tunggalian.
Nakita niyang huminga ng maluwag ang mga kababaihan.
“Hermano!”
Sabay silang napalingon ni Miguel Paolo sa tumawag sa kanila. Nakatayo ito sa di kalayuan, katabi ang kanilang ama na nangingiti rin.
“Marco Antonio! Papa!”
Nilapitan nilang magkapatid ang ama at ang kanilang kapatid. Niyakap nila ito at tinapik nila ito sa likod.
Ang tagal din buhat noong huling umuwi si Marco Antonio. Palibhasa, ito ang namamahala sa negosyo nilang mga barko.
Hindi ito marahil uuwi kung hindi pa inabangan ng Papa nila sa pier.
“My God! You look like a pirate!” puna ni Miguel Paolo.
“A deadly pirate.” Gabriel agreed.
Sinalat ni Marco Antonio ang baba nito na nangangapal na ang balbas.
“Women love this…”
“Maybe I should have beard aswell.”
Natawa ang kanilang Papa sa sinabi ni Miguel Paolo. “Hindi niyo na kailangan magpatubo ng balbas para lang habulin ng mga babae.”
“We’re the Mondego brothers after all.” Jose Gabriel remarked. Inakbayan niya ang dalawa niyang kapatid habang patungo sila direksyon kung saan nakatayo ang Villa Mondego.
“Kamusta ang Nueva York, Jose Gabriel?”
Magkakaharap silang mag-aama sa hapag-kainan at kasalukuyang pinagsasaluhan ang masarap na putahe para sa tanghalian.
“Still the same, Papa. Maingay, magulo. Hindi ko malaman kung bakit nawiwili itong si Miguel Paolo doon. Iba pa rin ang buhay malayo sa siyudad.”
“Hah! The country bores me, Jose Gabriel. I love the city!” sabi ni Miguel Paolo pagkatapos ay sumubo ng ubas.
“You love the city… or the women?” Marco Antonio’s lips twitched with a knowing smile.
Nagtawanan sila pagkatapos batuhin ni Miguel Paolo si Marco Antonio ng isang piraso ng ubas.
Ganito talaga silang magkakapatid kapag nagsama-sama. Para pa ring gaya nang dati. Magulo pa rin sila, parang mga bata kung mag-asaran.
Wala siyang natatandaan na nag-away silang magkakapatid kahit noong bata pa sila. Palagi silang magkakasundo at nagbibigayan. Lumaki silang hindi nagkakahiwa-hiwalay.
Ama nila ang gumabay sa kanilang paglaki. Tinuruan sila ng kanilang ama na humawak ng armas; espada, baril, at punyal.
May ina sila, subalit nagkaroon ito ng karamdaman sa pag-iisip. Naging sarado ang isip nito sa mundo noon. Na nauunawaan nila kung bakit.
Pero makalipas ang maraming taon, sa tulong ng mga espesyalista at moral na suporta ng pamilya, gumaling ang kanilang ina.
Pero kahit magaling na ito, maramdamin pa rin ito. Labing walong taon na ang nakakaraan.
“Mga anak…”
Sabay-sabay silang napahinto sa pagtatawanan nang pumasok sa pintuan ng hapag kainan ang kanilang ina. May tangan itong bulaklak rosas, na natitiyak niyang mula iyon sa kanilang ama.
“Mama…”
Sabay-sabay silang tumayo upang halikan ang kanilang ina na naupo sa kabisera ng upuan ng kanilang ama.
He looked at their parents with love and fondness. They were forty six years old already and yet they still have this passionate love.
Tila kahapon lang ang lumipas sa dalawampu’t walong taon na pagsasamahan ng kanilang magulang bilang mag-asawa.
“Siento Mama. Naabala pa yata namin ang pamamahinga mo sa ingay naming tatlo.”
“Por supuesto no, hijo.” She gently smiled at them. “Natutuwa ako at magkakasamang muli ang mga anak ko. Na naririto, walang okasyon, pero kumpleto naman kayo.”
“Merong okasyon, Mama. Hindi ngayon, pero sa mga susunod na buwan.”
His mother eyed Marco Antonio questioningly.
“Esto es su cumpleaños, Mama.” He answered for Marco Antonio.
Binalingan siya ng kanyang ina. “Ika-apat napu’t anim mong kaarawan… At ikalabing-walong taon naman ni Ana.”
Nangilid-luha ang kanyang ina. Napakapit ito ng mahigpit sa kanilang ama.
“Ano na kaya ang hitsura ngayon ni Ana?”
Nagkatinginan silang magkakapatid. Lingid sa kaalaman ng kanilang ina na may naisip na silang mag-aama tungkol doon.
“Babawiin natin ang atin Mama.”
“Miguel Paolo…”
“Ipinapangako ko sa inyo, Mama.”
“Pero, hijo… peligro—“
“Nakahanda na ako, Mama!”
Sa kanilang tatlo, si Miguel Paolo ang sukob sa langit ang galit at pagkamuhi sa lalaking naging sanhi ng muntik ng pagkawasak ng kanilang pamilya.
Nakatira sila noon sa Pilipinas. Doon sila pinanganak at nagkaisip. Tahimik silang namumuhay roon ng simple. Tinalikuran ng Mama niya ang maluhong pamumuhay, kapalit ng pagsama nito sa kanilang ama.
Tutol ang pamilya ng kanyang Mama sa pagmamahal nito sa kanilang ina. Subalit ipinaglaban ng ng dalawa ang kanilang pagmamahalan. Kapalit niyon ay inani ng mga magulang niya ang galit at poot, hindi lamang ng sariling pamilya ng kanyang Mama; kundi ang lalaking itinakdang ipakasal rito noon.
Si Alejandro Vera Luna.
“Pinlano na namin ng mga anak mo ang gagawin, Ana Margarita.” Turan ng kanilang ama.
“Paano kung—“
“May paraan ang tatlong mga anak natin tungkol diyan. Magtiwala ka sa mga plano nila.”
Sinenyasan ni Miguel Paolo ang mga taga-silbi upang iwan sila. Kailangan nilang mag-usap na mag-anak ng pribado tungkol sa mga plano.
Nagulat si Jose Gabriel mula sa isang ingay. Nangangabayo siya noong dapit-hapon na ‘yon. Ingay ng putok ng baril ang umaalingawngaw sa loob ng kakahuyan.
“Buenas Dias, Senorito.” Salubong ng mehikano nilang tauhan at binati siya nito sa wikang Espanyol.
“Buenas Dias.” Bati niya sa tauhan nilang si Bestre. “Sino ang nangangaso sa gubat at may putok ng baril akong nadidinig?” tanong niya sa mehikanong kawaksi ng ubasan.
“Nag-e-ensayo po si Senorito Miguel Paolo. Kanina pa po siya nariryan.”
Napatango-tango siya. “Salamat, Bestre. Susundan ko ang kapatid ko.”
Iniliko niya ang renda ng kabayo sa direksyon kung saan nag-e-ensayo si Miguel Paolo.
Napakagaling nito talaga sa baril. Sumasapul sa mga lata at prutas na nakahanay sa nakabuwal na puno.
Napakabilis ng kamay nito. Tinangka niya dating talunin ito sa bilis, pero ito pa rin ang nangunguna.
Kung ano ang galing niya sa espada, ay siya naman husay nito sa baril.
“Slow down, hermano. Huwag mong pagdiskitahan ang walang kalaban-laban na lata.”
Natawa lang si Miguel nang balingan siya nito.
“Kailan tayo aalis nina Marco Antonio, hermano?”
“Nakahanda na ang barkong gagamitin natin sa paglalayag. Nais sanang sumama ng Papa. Pero mas kailangan siya ng Mama ngayon”
“Hindi na ako makahintay, Jose Gabriel.”
Hindi siya nagsalita. Pinakiramdaman niya ang kapatid..
“Hindi ko na mahintay ang pagtutuos.”
“Pinalaki tayo ng mga magulang natin sa pag-papaalala, Miguel Paolo. Lahat ay harapin natin ng kalmado at tamang pagpa-plano.”
“Nahihiya ako sa Papa. Dahil aaminin ko sa’yo, mas paghihiganti para sa aking sarili ang aking layunin, kaysa paghihiganti sa sinapit na trahedya ng ating mga magulang.”
Tinitigan niya si Miguel Paolo. Sa kanilang tatlo, ito ang agresibo. Ito ang palaging bukas ang sarili sa anumang nararamdaman. Kayang-kayang basahin ito ng kanilang magulang. Sensitibo at maramdamin.
Kaya noong buong panahon na lumalaki sila, dito nakatutok ang kanilang Mama.
“I wanted to give him a painful death, hermano.”
“Kaya mo ba, Miguel?” tanong niya na may himig nang panunubok. “Kaya mong kitlin ang buhay ng taong--?”
“Sina Mama at Papa ang nagdugtong ng buhay ko, Jose Gabriel!”
Puno ng poot itong nakatanaw sa malayo habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan.
“Wala na sana ako sa mundong ito kundi dahil kina Mama at Papa.”
Bata sa kanya ng halos dalawang taon si Miguel Paolo. Ampon ito ng kanilang Papa. Buwan lamang ang pagitan nito sa edad ni Marco Antonio.
Bago nangyari ang trahedya na mawala si Ana, nasa kanila ng pangangalaga si Miguel Paolo. At magkakasama sila sa gubat noon na nagangaso.
Hindi iyon matanggap ni Miguel Paolo. Na ginawan nang kasamaan ang mga magulang na nagdugtong ng buhay nito.
“Huwag ka sanang padalos-dalos, hermano. Kay tagal nating hinintay ang pagkakataong ito. Huwag mong pairalin ang silakbo ng iyong damdamin. Alalahanin mong nawalan ka nga ng ina dahil sa taong nagpahirap sa pamilya natin. Pero ang ating magulang ay nawalan ng anak na babae.”
“Siento, hermano.” Bumuntong-hininga ito. “Naging emosyonal akong masyado. Hindi lang ako makapaghintay na maibalik si Ana kina Mama. Gagawin ko ang lahat, makabayad lang ako sa kabutihan nilang nagawa sa akin.”
Napangiti siya. “Hindi ko na mahintay na makita si Ana, hermano. Marahil ay napakaganda niya sa paglipas ng mga taon. Natitiyak kong makikilala ko agad siya, dahil sabi ng Papa, kamukha siya ng Mama.”
“Ako man ay hindi na makahintay, Jose Gabriel. Nais kong mabuo ulit ang Familia Mondego.”
Para magpatuloy ang positibong disposisyon ng kanyang kapatid, sinamahan niya ito sa pag-eensayo.
コメント